Quantcast
Channel: TARAGIS NA BUHAY 'TO.
Viewing all 87 articles
Browse latest View live

Ang kakaibang aritmetik ng mga barker at TODA.

$
0
0

Hindi ko kasi alam kung sino ang dapat magtalaga kung ilan nga ba talaga ang dapat lamang pasahero ng isang dyip, fx, o tricycle — ang tsuper ba, ang barker, ang LTFRB, ang MMDA, si Meyor, o si Lord?

Bad trip kasi minsan yung siksikan na kayo sa dyip tapos nagpipilit pa yung barker na “tatlo pa! tatlo pa! konting ayos lang ng upo! sampuan yan!

siksikan

Huwaaat?! Sampuan?! Sampung ano — sampung bata? O baka naman sampung sanggol? Masikip na kuya! Nangingimay na puwet ko sa kaka-siksik!  Utang na loob, larga na tayo!

Haay nako. Kung ako lang ang presidente, sosolusyunan ko agad ang ganito. Paano ‘kamo? Simple! Sa pamamagitan ng mga sumusunod na batas:

  • Bawal na ang mga lowered o racing tricycles na mamasada. May itatalagang “official tricycle design” ang LTFRB na dapat sundin bago makakuha ng linya o prankisa.
  • LTFRB ang magsasabi kung ilanan ang sakay ng isang dyip (at naka-pintura ang bilang na ito sa magkabilang-bahagi ng dyip in BIG, BOLD numbers).
  • Bawal nang mamasada ang kakarag-karag na dyip at bus. Lalu na yung nakatagilid na kung umandar, punit-punit ang upuan, o sobrang dilim ang loob.
  • Bawal ang smoke-belcher (sasakyan man, drayber, o pasahero).
  • Bawal ang sobrang lakas na busina sa bus. Ang pasaway na drayber, 10 beses bubusinahan ng sariling bus habang nakadikit ang tenga sa bandang harap ng bus.
  • Bawal ang mga adik o ‘gangsta’ na barker.
  • Lahat ng TODA terminals ay dapat may katabing post ng Bgy. Tanod.
  • Bawal ang trip-cutting sa dyip (pwera lang kung ma-flat, ma-aksidente, o atakehin sa puso ang drayber).
  • May “secret marshals” dapat sa lahat ng bus at fx.
  • Isisiwalat sa national media ang lahat ng padrino ng Kolorum.
  • Magkakaroon ulit ng mga bus na gubyerno ang magpapatakbo.

Siya nawa. :-)



My “selective” love affair with Books

$
0
0

I love books.

Hindi ako adik sa books, pero I love them. Lalu na kung interesting yung topic/tema, hardbound, with pictures and images, at… pinaka-mahalaga, na-iintindihan ko.

Because, let’s face it, there are lots of books out there that people don’t, can’t, or won’t understand. So I’m positive I’m not just speaking for myself when it comes to that last statement. :-)

But back to books…

Nagsimula yata ang love ko sa books kasi mahilig akong ibili ng picture books ng Ermats ko. Every Sunday, after Mass, tiyak may bagong libro akong makukuha sa kanya.

Medyo mahilig din sa libro ang Erpats ko kasi, I remember clearly, may 2 sets kami ng encyclopedia sa bahay noon — Groliers at Colliers Encyclopedia. Mas gusto ko yung Colliers kasi mas maraming colored pictures yung loob. Later on, nakahiligan ko rin yung pagbili ng Funny Comics.

Elementary School pa lang ay tambay na ako ng Library. Lagi kong inaabangan yung latest copies ng Newsweek, National Geographic, at iba pang mga katulad na magazines. Sa bahay naman ay excited ako sa pag-uwi ng Erpats ko galing opisina kasi bitbit niya yung dyaryo nila at yung latest book na nahiram niya sa office library.

High School naman nang una akong nagbasa ng Tolkien at Asimov.

Nung College, medyo namayagpag yung mga textbooks sa buhay ko pero out of necessity lang… walang Love involved. Hehehe.

Nung nagta-trabaho na ako at kumikita na ng sariling pera, umarangkada na yung passion ko for books. Kaya ko na kasing bilhin yung mga librong gusto kong talagang basahin.

Fast-forward to today.

bookcase02

Nangangarap akong maisa-ayos ang aking munting “Library” sa bahay… medyo magulo kasi. Walang logic. Magkakaiba yung pagkaka-salansan at halo-halo yung magkakaibang topic. Nasasamahan pa ng mga stuffed toys at iba-ibang abubot.

Meron akong 3 Book Cabinets so far pero mukhang I need to have at least 2 more para maisaayos ko ng matino yung aking book collection.

bookcase01

Again, hindi ako book addict. Pinipili ko yung librong bibilhin ko. In fact, mahilig ang mag-dispatsa ng mga librong hindi ko masyadong type. Of course, pag bigay o libre yung libro, tatanggapin ko. Hehehehe. Pero kung gagastusan ko, may strict criteria akong sinusundan:

  • 2nd-hand dapat (with very few exceptions)
  • Hardbound (as much as possible. Mas matagal kasi ang buhay)
  • Falls under the following topics: History, War, Military, Science Fiction, Fantasy, Biography

Ok lang din ang Novels, Comics at magazines basta pasok sa mga nasabing topics.

Sana… mamana sakin ng mga anak ko ang pagka-mahilig magbasa. :-)


Go Azkaaaals!

$
0
0

Boom! Kayo na!

Although it would have been better had Chieffy played during the last 2 games, OK na rin.

Next step, Maldives! :-)

Goal (Azkals-1, Turkmenistan-0)(the celebration that came after Younghusband’s winning goal. From rappler.com)


Mais… Mais… Kaka-inis :-(

$
0
0

Ang hirap palang magpalaki ng Mais sa bakuran. Masyadong maselan! Kapag tag-ulan… nalulunod. Kapag tag-init naman, naba-bansot!

Hindi pala totoo ang tsimis na may “Green Thumb” ako. :-(

100_2398

100_2401

Oh well… lessons learned.

Tiyak aani na ako nang maayos sa susunod na subok! :-)


Chesa. Tieza. Cheza. Ah basta yung mapakla!

$
0
0

Parang mali yung timing ng pag-trim namin sa Puno ng Chesa sa aming bakuran. Summer kasi… baka mahirapan yung puno na maka-recover.

Pero walang choice — sumasayad na yung mga sanga niya sa mga kawad ng kuryente… tapos huma-hampas siya lagi sa bubong namin… at pinaka-mahirap sa lahat… nadudumihan lagi yung bakuran ng kapit-bahay. Hehehehe.

So tabas ang inabot niya.

100_3579

Actually, na-inspire kami sa pagtabas kaya nadamay din yung aming Mangga (pero that’s another story). Buti na lang kamo at likas na survivor ang puno ng Chesa… mabilis magpakawala ng mga bagong sanga (ilang araw lang ang pagitan ng 2 fotos na ito).

100_3616

So, kampante akong hindi siya mati-tigok. Yun lang, matagal ulit bago siya mamunga. Sayang… ang ganda pa namang tingnan ang mga hinog na Chesa.

100_3581

Oh well. Ganyan talaga ang buhey :-)


Finally, makaka-boto na rin ako!

$
0
0

Medyo delayed yung excitement na nararamdaman ko. Pero di bale na… excited pa rin talaga ako. Kasi, sa darating na May 13 Elections, first time akong makaka-boto gamit ang Automated Election System!

OO, alam ko na 2010 pa ito unang ginamit, pero dahil sa trabaho ko noon ay laging wala ako sa lugar namin sa pag-patak ng araw ng botohan. In fact, since 2007, hindi pa ako nakaka-boto ni minsan! Akalain n’yo yun? Buti na lang at pursigido akong magpa-renew ng Voter Registration ko.

Nagbunga din ang pag-tiyaga kong pumila sa local COMELEC… kasi nasa Manila pala ako sa darating na May 13.

Makaka-boto na rin ako sa wakas!

Woohooo!! See you soon, PCOS! Don’t let me down! Kaya mo yaaan!

Dedma na sa mga haters mo. Di hamak naman na mas nagtitiwala ako sa’yo kaysa sa dating Manual System.

pcos-machine

Ilang tulog na lang… :-)


Alin…alin… alin ang naiba?

$
0
0

Ang hirap lang talagang ipaliwanag itong eksenang inabutan ko sa workspace ko ilang araw na ang nakakaraan.

Normal naman ang dating… pero parang may “others” na biglang sumingit.

Napansin ninyo din ba?

Photo0596

:-)


About our friends, the Thais…

$
0
0

… sa ilang beses kong pagpabalik-balik sa Thailand nitong nakaraang tatlong taon, may ilang generalizations (at observations) akong nabuo. Ewan na lang kung totoo nga ang mga ito… kasi, baka nga, it’s just me.

thai flag

Pero napansin ko lang na…

  • parang kilalang-kilala ng mga lalaking Thai si Bong Revilla… lagi mo kasi silang naririnig na nagsasabi ng “Kap! Kap!
  • nasa kanilang mga kamay ang “da moves” ng mga Thai dancers, babae man o lalaki
  • kakaiba ang nakahiligang bango ng mga Thais at mahahalata mo ito agad paglapag na paglapag mo. Pero makakasanayan mo din naman agad
  • magsing-laki lang ang mga Pinoy at Thai pero di hamak na mas malalaki ang kanilang mga FX Taxi, Bus at bote ng Beer!
  • they are a “very well trained” people… as in madalas silang nagko-commute via trains (BTS Skytrain, halimbawa)
  • pareho tayong umi-idolo sa mga mestiso’t mestisa
  • tawang-tawa sila sa numerong “555,” ang basa kasi nila dito ay “Ha Ha Ha
  • pinapa-tugtog nila ang kanilang National Anthem sa public places (sa Bus Station, halimbawa) at tumatayo talaga ang lahat ng Thai hanggat ito’y matapos

at pinaka-mahalaga sa lahat…

  • ang Bangkok ay parang Maynila lang din. Hindi ko nga lang maintindihan ang Tagalog nila :-)


Kayo? Sinong “Top 3″ niyo? Ako…

$
0
0

… sa mga Babaeng Artista:

  1. Bella Padilla
  2. Bea Alonzo
  3. Maja Salvador

… sa Boxers:

  1. Manny Pacquiao
  2. Nonito Donaire
  3. Ana Julaton

… sa Newscasters/Reporters:

  1. Rhea Santos
  2. Vicky Morales
  3. Michael Fajatin

… sa Talk Show Hosts:

  1. David Letterman
  2. Jay Leno
  3. Jojo Alejar

… sa Cultural/Opinion Show Hosts:

  1. Lourd de Veyra
  2. Tonipet Gaba
  3. Susan Enriquez

… sa Investigate Show Hosts:

  1. Howie Severino
  2. Kara David
  3. Abner Mercado

… sa Senado:

  1. Risa
  2. Hontiveros
  3. Baraquel

risa_round

:-)


VOTE WISELY, mga kapatids! :-)

$
0
0

Wisely” hindi lang pagdating sa mga pipiliing kandidato kundi pati na rin sa personal preparations for going to the polling precincts tomorrow. Ako, may checklist na ihinanda para mas mapadali ang pagboto ko bukas:

  • IDs
  • Name of Polling Center
  • Precinct Number
  • Payong
  • Tubig
  • Cellphone with Camera (huwag lang pipiktyuran ang Balota at bawal yun!)
  • Food (just in case)
  • Mahabang pasensiya :-)

Bumoto din kayo ha?


Ikaw na, Abner Afuang!

$
0
0

You da MAN!

Thanks for conveying what I and many other Pinoys feel about this Taiwan poaching issue.

burntaiwan


Mana sa Tatay moment #75

$
0
0

May kakaibang kinang yung mga mata ni Dear Dawter nang makita niya na may bagong deskfan na uwi si Nanay. Akala ko pa naman na natuwa siya at may sariling electric fan na siya… mali pala ang akala ko.

Yung karton pala nung electric fan ang puntirya niya!

Konting gupit… kulay… sinulid… pandikit… tiklop… props… at sandamakmak na imahinasyon — naging expanding dollhouse bigla yung karton!

100_3704

100_3714

Hanep, anak! Gandang display ng creativity (panalo yung folding volleyball court) at perseverance (natiis mo ang pangungulit ni bebehboi).

Manang-mana ka talaga kay Tatay! Hehehehe.

So, Architecture o Engineering na ba ang pag-iipunan naming pan-tuition mo ni Nanay? :-)


Panatang Makabayan: aling version ang mas feel ninyo?

$
0
0

Dahil feeling patriotic ako now, gawa ng kakalipas pa lang na Independence Day, natuwa ako nang matisod ito online. Alin nga ba ang mas maayos, yung original o yung bagong version ng DepEd?

Panatang Makabayan Original version (1955)

d’ Others…

I. Panatang Makabayan (Tagalog)

DepEd Order 54-2001 version

Iniibig ko ang Pilipinas,
aking lupang sinilangang,
tanahan ng aking lahi;
kinukupkop ako at tinutulungang
maging malakas, masipag at marangal.
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
diringgin ko ang payo
ng aking magulang;
susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
tutuparin ko ang tungkulin
ng mamamayang makabayan;
nagliingkod, nag-aaral at nagdarasal
nang buong katapatan.
laalay ko ang aking buhay,
pangarap, pagsisikap
sa bansang Pilipinas.

II. Panumpa nga Bayanihon

Cebuano version
by: Tasio Espiritu

Gihigugma ko ang Pilipinas
Kini ang yutang akong natawhan
Kini ang panimalay sa akong mga kaliwat
Siya ang nagsagop ug nag-amoma kanako
Aron mabuhing baskog, malipayon ug mapuslanon
isip bawos, paminawon nako ang tambag sa akong mga ginikanan
Tahuron nako ang mga kamanduan sa akong eskwelahan
Ampingan nako ang katungdanan isip lumolupyo nga bayanihon ug masulondon sa balaod
Alagaran nako ang akong nasud sa ligdong ug dili sa hinakog nga pamaagi
Paningkamotan nako nga mahimong usa ka tinooray nga Pilipino, sa hunahuna, sa pulong ug sa buhat.

III. Ipalad ak’n ko ingngad
Maranao/Iranon version
by: Charm Jessie Manalao Cruz

Kababayaang ko a pilipinas
giya e so lupa a pimbawataan rkan
giya e so walay a mga lahi ami
skanian e kumiyukop rkan ago tumiyabang
para makabg’r,mapipiya ago pgkapakinabangan.
para makabalos,p’mamakin’ggn ak’n so mga luks sakn
langon na taruun na eskwelaan na suwaan nak’n
pnggula gulaangko sii ko inngad akn ago so kalimo sii ko kukuman.
imbagay akn so lango langon sa giya e ang engngad tano sa

IV. Samban Makabansa
Pangasinan Version
by: Christopher Gozum

Inararok so Pilipinas,
Say sinulmingan kon dalin
Say luyag na polin nanlapuan ko
iiwien to ak tan tatagibian
Piyan onregkel, onkuli, tan magmaliw ya manepeg.
Ta inararok so Pilipinas,
talinengen ko sa bangat na saray ateng ko;
unoren ko so ley na awiran,
tooren ko so betang
na toon makabansa;
manlilingkor, manaaral, tan mandarasal
Ya masimoon.
Isalat ko so bilay ko,
tindek, tan kuli
Ed bansan Pilipinas.

V. Sumpa sa Sokong Banwa
Bicolano Translation
by: Milnes Sarmiento

Namot-an ko ang Pilipinas
Sakong dagang sinilangan
Halong kan sakong lahi
Inataman boda tinabangan
Pirme makusog,mahigos,maayos
Pan-o namotan ko ang PILIPINAS
Dadangogon ko pangaral
Kan sakong mga magulang
Susunodon ko ang mga tuntunin
Tutupadon ko ang sakong gigibohon
Ang sarong towong namomot-an banwa
Gagibo,gaadal
Gadasal ning mad-ayad
Itatao ang sakong buhay,pangarap
Paghingoha sa bansang Pilipinas

VI. PANAAD NGA MAKABANWA
Karay-a Translation
by: Evelyn Tumangday

GINAHIGUGMA KO ANG PILIPINAS
AMU JA ANG LUPA NGA AKON GIN TAWHAN
AMO JA ANG BALAY KANG AKON PAGKATAWO
GINA SAPUPO NA AKO KAG GINABULIGAN
PARA MANGIN MABASKOG, MALIPAYON KAG MAPUSLANUN

PARA MAKA BALOS, PAMATIIAN KO
ANG LAYGAY KANG AKUN MGA GINIKANAN
SUNDUN KO ANG MGA REGULASYON
KANG AKUN ESKWELAHAN

PATIHUN KO ANG MGA OBLIGASYON
KANG SANGKA MAYAD NGA PUMULUYO
KANG AKON BANWA KAG
MASINURONDUN SA PATAKARAN

SERBISYOHAN KO ANG AKON BANWA
NGA WARA TI PAG DUHA-DUHA
KAG HUGOT SA AKON HUNA-HUNA
HIMURATAN KO NGA MANGIN SANGKA
TAMPAD NGA PILIPINO
SA PAMINSARON, SA HAMBAL KAG SA HINIMUAN

VII. Sapatak para ti ili~k a Pilipinas
La Union version
by: Geelyn Tumbaga

-ayayatek iti pagilyak nga pilipinas,
dituy ak a naiyanau, daytuy ti pagtaingadm iti pulik.
siyak ket tartaripatwennak ken tultulungannak tanu napigsaak,
naragsak ken maisa a makatulung ti pag-namayan iti bansak..

-akas utang a nainbag nga nakem ,
patyek ti ibag-baga dagiti nagannak kenyak,
kentungpalek dagiti paglintegan ti eskwelaan me.

-tungpalek dagiti na siyaat nga aramid akas maysa nga pilipino.
-agsebiak ti pagilyak a pilipinas na awan ilem ken napudno .
-sipupudno nga maisa a pilipino ti panunut,sao ken aramid.


Sloooow moments.

$
0
0

How slow?

Nung isang araw, nung pinatakan ko ng Eyemo mata ko, hindi ko pa pala nata-tanggal yung salamin ko. Slooow.

Isang linggo ko nang hindi mahanap yung isang phone ko. Nasa bahay lang naman yun. Slooow.

Kanina, naiwanan ako nung biyahe papuntang Pangasinan. Slooow.

Isang linggo ko nang nire-revise yung isang proposal. Hindi pa rin matapos-tapos. Slooow.

Ilang linggo na din akong walang matinong post dito sa blog ko. Slooow.

Dalawang buwan nang ginagawa yung kalsada sa tapat ng opisina namin. Sloooow.

Antagal mag-download ng movies. Sloooow!

slow1

Haaays. :-(


While watching PNoy’s SONA last Monday…

$
0
0

… andaming bagay ang dumaan sa isipan ko. Siguro dahil andaming sabay-sabay na nagaganap sa paligid leading to the SONA itself. Napapa-iling na lang tuloy while muttering “magulo. magulo.”

Pa’no ba naman… sinong hindi maguguluhan kung ganito ang mga naiisip mo?

  • Required ba na pumalakpak ang mga kaalyado ng Presidente o kung feel lang nila?
  • Kapag hindi ba nabanggit ang isang isyu sa speech ay wala na itong pag-asang matugunan ng gubyerno?
  • May kategorya bang “over-dressed” for a SONA?
  • Kung papapasukin ba sa Session Hall yung mga lider ng mga grupong nagra-rally sa Commonweatlh ay manggugulo sila o makikinig lang?
  • Bakit mas marami na ang Pulis kaysa mga rallyista?
  • Kung tradisyon na yung pagsusunog ng effigy, bakit hindi maging tradisyon din yung paglilinis  ng sariling kalat pagkatapos ng rally?
  • Mas dramatic kaya kung biglang may spotlight na tututok dun sa tao/opisyal na pinupuri/pinapasaringan ng Pangulo?
  • Bakit parang sintunado yung Choir? Dahil ba sa nerbyos? Dahil kulang ang praktis? O dahil pangit ang sound system/acoustics ng Session Hall?
  • Ilan ang maximum number of guests na pwedeng karay-karay ng isang Kongresista? Mas kaunti ba sa guest allocation ng isang Senador?
  • Magkano inabot yung bill for food and drinks?
  • Bakit yung ibang Pinoy na guests nakasuot din ng mga Translation Headsets? Hindi ba sila marunong managalog?
  • Kung sakaling ma-construct na yung planong MRT/LRT line na babaybay sa Commonwealth Avenue, mahaharang din ba yun ng mga rallyista?

Grabe. Stressful talaga! Kaya nga naiintindihan ko kung bakit bigla na lang naiyak si Mamang Pulis nung SONA. :-)

SONA crying cop



Dumating din, sa wakas!

$
0
0

Natupad din after 6 months yung pangarap ko!

Grabe talaga! Antagal kong hinihintay na dumating yung order kong bag from abroad. Akala ko hindi na darating… baka kako nawala in-transit… nahulog sa barko (or eroplano)… na-pitik ng kargador (o delivery boy/girl)… kinain ng aso…

Sensya na at likas lang talaga akong praning at pala-duda. Bunga na rin siguro ng past experiences ko sa buhay vis-a-vis deliveries and such.

Ilang beses na rin kasi akong nawalan ng package o gamit. The latest one was when I lost a flashlight from my bag after I checked it in sa airport… but that’s another story.

Ang mahalaga ay, this time, nakalusot yung package ko without any major aberya. Well, at least sa delivery side walang aberya. Nadale kasi ako sa tax sa Post Office (pero that, too, is another story).

Got my “Doomsday Prepper” bag na!

Photo0694

Next order in the list: “Anti-Zombie” palakol naman :-)


Nganga… Mo-Ma… Ikmo… Apog… Buyo… Betelnut… Khun… Ah basta, yung dudura ka ng madalas!

$
0
0

Halos 5 taon na rin akong humintong mag-yosi. As in “cold turkey” talaga.

Yung tipong, isang araw, parang feel kong kaya ko na talaga… that I could already make the plunge… kaya nag-quit agad ako.

So far it has worked.

But I’ve had a little help din naman. May “alternate” nicotine sources ako — No. Not nicotine patches… but Swedish Snus and Burmese Betelnut (Khun).

Sa totoo lang kasi… ayaw ko naman sanang mag-quit mag-yosi. Hindi na lang kasi talaga kaya ng lungs ko yung pag-hitit ng usok (may asthma ako — OO. Smoker na asthmatic ako noon. Stoopid, I Know. Pero kaya nga ‘addiction’ ang smoking eh. It can make you di stoopid things.)

So hanap-hanap din ng substitute sa yosi ‘pag may time.

I even tried that eCigarette thing dati, pero dahil may usok din siya eh ‘di pa din umubra.

Which brings me to the Snus and the Khun options… na OK naman sana except for one tiny-teeny thing… walang regular source ng mga ito sa Pinas! Yung Snus, pag naka-tiyempo ka naman, 300 Pesos ang isang lata!

Powtek.

Kaya I’ve resolved to “Go Traditional” na lang — it’s Pinoy Nganga for me, beybeh!

Heto yung nabili ko sa Isabela. Mura lang. At matindi rin ang tama… depende sa timpla mo ng ingredients.

DSCF0034

At pag naubos na ito, ang balita ko ay makaka-bili din ng Nganga sa mga Manang na nagtitinda ng “pampa-regla” sa paligid ng Quiapo Church. :-)


Wagyu? Wagpowzz!

$
0
0

Naiintindihan ko naman kung bakit yung ibang pagkain ay medyo may kamahalan. Baka nga naman mahirap hagilapin… baka rin mahirap alagaan… o mahirap kunin… o mahirap ipunin.

Kaya OKs lang sa akin na mahal ang Truffles, o ang Bird’s Nest Soup, o ang Abalone, o ang Saffron.

Pero ibang usapin na ang Wagyu Beef.

Baka lang yun, ‘di ba? Andami-daming Baka kaya sa mundo. Anong espesyal sa Wagyu Beef?

OK. Sabihin na natin na alagang-alaga sila. May cow-massage pa nga sila eh. And I’m sure espesyal ang kanilang pagkain.

wagyu cow massage

Pero does that justify a US $500 per kilo pricetag?! Aba’y pakshet, mahigit PhP 20,000 per kilo na yun ah! Dalawang-libo ang isang guhit!

Kobe beef is displayed in a restaurant in Ornago near Milan

Tama ba ‘yun?!

Kahit pa rare yung mga pureblood Wagyu Cows, eh di paramihin! Mahirap ba ‘yun?

Kaya ang tancha ko dito ay beyond taste na ang usapan. Kahit napaka-sarap, napaka-lambot, at napaka-malinamnam pa niya, hindi makatarungan na ganito ang presyuhan.

No. Definitely hindi lasa ang basehan ng presyo ng Wagyu.

Ano ang basehan? YABANG.

Pure and simple Yabang. Yung tipong iniisip mo na “kaya ko ‘tong bilhin at kayo hindi. Mamatay kayo d’yan sa inggit.”

The same is true with food na may edible gold sprinkled on top… cellphones na encrusted ng mga dyamante…

Basically lahat ng paboritong bilhin at kainin ng mga Napoles.

Bwiset! :-(


Napoles to me…

$
0
0

… is merely the most recent face of a problem that has been plaguing our country for decades — yung problema ng katiwalian na sobrang gahaman at walang takot.

Sabi ng iba, “Impunity” daw ang tawag dito. Pero masyadong impersonal para sa akin ang salitang ‘yun… sounds like “Immunity” nga eh. Well, bahagi nga rin pala yun ng problema. Pero kulang talaga yung dating nung salita… hindi kayang i-convey yung baho… yung kahayupan… yung kawalanghiyaan… yung kawalan ng puso na involved.

napoles-mugshots

Para sa akin, the more apt description of the problem would be “sobra-sobrang kawalan ng konsiyensya” — i.e., a total lack of conscience among these corrupt officials and kababayans of ours. This sets them apart from those na tinaguriang “corrupt pero may pakinabang naman.”

Don’t get me wrong; I’m not saying na kapag “may pakinabang” ang isang kawatan ay excused na yung mga kalokohan niya. Far from it! They are just as guilty of the crime as the rest and are just as deserving to be punished. Nabanggit ko lang sila to contrapose with the even worse kind of thief.

Siya na kaya ang huli?

Don’t bet on it. Tiyak meron pang mga katulad niya na nasa gilid-gilid lang.

It’s gonna take more than simply abolishing the Pork Barrel to sort out this mess our country’s in.

Kawawang Pilipinas. Totoo nga yung kasabihan na “a country’s main resource are its people.” Pero in our case, mga kababayan din natin mismo yung sumpa. :-(


Don’t Panic!

$
0
0

Kahit pa andami-daming dahilan para mag-panic ang isang normal na tao… DON’T PANIC pa din.

‘Kets ‘kamo?

Kasi di hamak na mas maraming dahilan not to (panic, that is). We just need to apply a bigger perspective to things. Tandaan, what may be a cause of panic today might actually be a harbinger of good news in the future.

Kaya…

don't panic

… kahit kinukurakot ng mga hayup na trapo’t gahamang kababayan natin ang pera ng taumbayan… nagigising na kasi finally ang mga ordinaryong mamamayan at hinding-hindi na nila (natin!) papayagang maulit muli ang ganitong pandarambong!

… kahit sunod-sunod ang delubyong dumadaan sa Pilipinas… mapipilitan din tayong ayusin finally ang sistema ng ating drainage, housing, land use, forest conservation, atbp. Otherwise mamamatay na talaga tayong lahat.

… kahit palaging inaapi at inaabuso ang mga kababayan nating OFWs ng mga amo nilang Arabo… mauubusan din ng langis ang mga hayup na ‘yun! Maghihirap din sila. Darating ang panahon na mga Arabo naman ang mamamasukan dito sa bansa natin.

… kahit padami pa ng padami ang bilang nating mga Pinoy… Mother Nature will find a way to convince us na mas mainam talaga ang nagpa-plano ng pamilya.

… kahit pamahal ng pamahal ang mga bilihin

Pakshet. Nakaka-panic na pala! :-(


Viewing all 87 articles
Browse latest View live